Liwanag nang Dilim at
Pag-asa
I.
Buhay na puno
nang hinagpis
Puso na sakit
ang tiniis
Ikaw na siyang
nagdusa
Liwanag na bigay
nang tala.
II.
Suot ang
dignidad na hawak
Ikaw ang nagging
pag-asa
Sa oras nang
pag-higik
Ikaw ang pumigil
ng luha.
Sa oras ng
pangangailangan
Ikaw ang siyang tanging
sandalan
Sa mga panahon
ng kagipitan
Ikaw ang siyang
tanging kasama.
Pinagpala ang
kamay na dangal
Pinaghilom ang
pusong-bato
Pinagtibay ang
loob na bukal
Pinasaya ang
simbolo ng Pasko.
III. Ngayo’y ikaw ang siyang naghirap
Nilamon nang
sakit ng nakaraan
Nawala ang lahat
nang alapaap
Nakulong sa
mundo ng kawalan.
IV. Ako na iyong inalagaan
Ibabalik ang
pagkalinga
Dahil iyong
sinabi minsan
Pagmamahal ang
siyang ligaya.
Sa oras ng
pangangailangan
Ikaw ang siyang tanging
sandalan
Sa mga panahon
ng kagipitan
Ikaw ang siyang
tanging kasama.
Pinagpala ang
kamay na dangal
Pinaghilom ang
pusong-bato
Pinagtibay ang
loob na bukal
Pinasaya ang
simbolo ng Pasko.
V.
Ngayo’y sabay na
haharapin
Tanging hangad
ay kaligayahan
Pagtulong sa
kapwa’y tunay na diwa
Nang Pasko at
nang bawat isa.
Pinagpala ang
kamay na dangal
Pinaghilom ang
pusong-bato
Pinagtibay ang
loob na bukal
Pinasaya ang
simbolo ng Pasko.
Nars ikaw ang
liwanag nang dilim
Ang tunay na
bigay nang Maykapal.
No comments:
Post a Comment
good bad funny stink